Bakit kaya sobrang negative ng mga tao kapag pinag-usapan na ang networking?
Sa network marketing kasi madalas pag usapan ang ma pangarap mo, na pwede ka kumita ng 5 digits or 6 digits per month na mukang imposible para sa mga tao. Ang usual na kasi na mindset ng tao is makapag-aral, makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho na makapagbibigay sayo ng income per month na P10,000-P30,000.
Kapag iisipin mo nga naman, na yung matagal mo nang kakilala o kaibigan e ayain ka sumali sa isang networking at sabihin sayo na pwede ka kumita ng P100,000 o P1,000,000 per month--di ka talaga maniniwala. Nakakaduda kung wala ka pang idea sa network marketing industry.
Kung ikaw ay isang empleyado at kumikita ka buwan buwan ng P10,000-P30,000 per month. Sa sweldong ito mga basic needs lang talaga ang pwede mong mabili like clothing, pambayad ng bills, Judith (due date--kuryente, tubig), pagkain, gasul, load, pamasahe, allowance ng mga anak, pambili ng groceries, tuition fee, pambayad sa inuupahang bahay (kung nangungupahan), emergency allowance (medicine, doctors fee, check-up etc.).
Sa sweldong yan, maisisingit pa ung pambili ng mga "WANTS"--like cellphone, tablet, laptop, ipad, flatscreen tv, internet, cable tv, pang salon, pambili ng bagong damit, pambili ng make-up (for girls), pambili ng sapatos, shades pang porma, pambili ng pang regalo sa nililigawan o minamahal, pang libre sa mga kaibigan etc.
So dahil marami ka ding mga wants dumadating yung point na kapag di na kaya ng sweldo mo matugunan lahat ng pangangailangan mo at lahat ng gusto mo eh nagkanda utang utang ka na sa mga bumbay, kaibigan mo, kakilala mo o sa kompanyang pinagtratrabahuan mo.
Dahil naisip mo na kulang talaga ang sweldo mo para makuha pa ang pangarap mong bahay at lupa, sasakyan, savings. Ang ginawa mo ngayon tumataya ka na lang sa LOTTO para manalo ng milyon, na ang chance of winning mo ay 0.01% at 99.9% naman ang chance mo na matalo. Isipin mo na lang kapag kinompute mo ang lahat ng pinangtaya mo sa lotto baka manghinayang ka pa. Na sana inipon mo na lang. Kung hindi ka naman tumataya ng lotto, maaring naisip mo n din mag-abroad na lang para makuha mo mga pangarap mo.
Nangyayari ito dahil takot tayong tumawid sa kabilang side ng buhay, kasi nasa isip natin na imposible ang pangarap natin, naa mayayaman na lang ang yumayaman, na di mo kaya yung ginagawa nila. (Rich mindset--rich side ng buhay)
Bakit maraming yumayaman at mahirap na biglang yumayaman after 2-3years?
Ang naiisip kasi natin sa mga taong yumayaman o mayayaman ay masisipag. Pero kahit anong sipag natin kahit todo sideline pa bukod sa trabaho natin abroad, di pa din sapat ang pera natin sa bangko para sabihing mayaman na tayo.
Ang mga Electric Bill sa mga SM na pag-aari ni Henry Sy ay pumapalo sa milyon milyon. Eh kalat ang SM sa buong Pilipinas. Kung aalukin mo si Henry Sy ng trabaho at sabihin mo sakanya na pwede syang kumita ng P100,000-P1,000,000 per month, baka pagtawanan ka pa nun or di ka nya papansinin.
Kasi ang tulad nila Henry Sy, Lucio Tan, Gokongwei etc. ay may mindset sila na walang imposible, na pwede kang magkaron ng savings na 10B kung gugustuhin mo.
So anong pagkakaiba natin sakanila? Parehas naman tayong tao, parehas naman tayong may 365 days, parehas naman tayong may 24hrs sa isang araw, parehas din naman ang disenyo ng ating mga utak...
Sila kasi di sila takot sumubok, di sila takot malugi sa umpisa, hindi sila takot magfail, willing sila matuto nang matuto, bumabangon sila kapag nadapa/nagfail, at talagang determinado na maging mayaman o manatiling mayaman sa kabilang banda.
Professionalism ba talaga ang sagot sa pag-asenso? Bakit sina Henry Sy di naman tapos. O kailangan bang ipanganak kang genius tulad nila Albert Einstein, Bill Gates o Mark Zuckerburg para maging milyonaryo? Ang sagot jan ay HINDI, ang kailangan mo lang naman talaga is maging open minded sa mga bagong ideya o sa mga opportunities. Kailangan mo ding umalis sa comfort zone mo at dapat willing kang matuto at determinado kang umasenso.
Walang pinanganak na mayaman agad--unless galing sa mayamang pamilya, walang pinangak na matalino, walang pinanganak na nakadestino na kung san lang sya dapat magtrabaho, walang pinangak na dapat ito lang sahod mo, hindi ganon dahil ikaw ang gumagawa ng sarili mong buhay. Lahat natututunan, ang tanong..willing ka bang matuto ng bago? determinado ka ba talagang umasenso? gusto mo ba talagang yumaman?
Takot ang mga tao na sumubok o sumali sa networking dahil marami na ang di naging successful sa linyang ito, marami ang nag-fail, na hindi sila kumita. Mas nakinig sila sa mga walang resulta sa negosyong pinasok nila. Naniwala sila na ganun din ang pwedeng mangyari sakanila. Dahil dito pumapasok din sa isip nila na ang NETWORKING ay isang SCAM pero di naman nila alam kung anong pinagkaiba nito at kung anong ibig sabihin nito
Walang nagfi-failed sa networking, pero marami ang Nagqu-QUIT, marami ang TUMITIGIL, marami ang NAWAWALAN NG DESIRE para gawin yung negosyo kasi ang unang pumapasok sa isip nila or ang nakaprogram sakanila kapag sumali sila sa Networking e GET RICH QUICK Scheme. Ibig sabihin na kapag sumali sila e kikita agad sila ng malaki at yayaman. Na di naman dapat ganon ang mindset sa networking.
Takot din ang ilan sa networking dahil kapag nainvite ka meron itong "PUHUNAN", para sa mga sarado ang isip sa ganitong linya ng negosyo ay "GASTOS/BAYAD". Para sa mga taong talagang negative sa Networking ang tawag nila dito ay "SCAM--ay yan ung recruit recruit, sasabihin na kikita ka ng ganito ganyan magaganda ang sinasabi at mapapapayag ka na lang ng di mo namamalayan." Ang tawag dito ng ilan ay hypnotize/gayuma. Kasi feeling ng ilan dito ay naloloko sila, nauuto para sumali.
Ang iba ayaw sa Networking dahil nahihiya mag-invite or dahil sa salitang "recruit". Ang invite kasi para sa kanila ay recruit tulad ng mga napapanood nila sa TV sa mga balita na maraming nagkalat na "illegal recruiter" na paaasahin ka at lolokohin sa bandang huli.
Eto talaga ang iniilagan ng nakakarami sa Networking ang "investment o bayad". Ang nasa isip kasi nila "peperahan lang kayo nyan o yung nauna lang ang kikita dyan." Yung iba naman ang talagang hinahanap ay trabaho. "Kaya nga kami naghahanap ng trabaho kasi wala kaming pera tapos hihingan nyo kami ng pera para sa inaalok mo?"
Pero di nila naisip na kahit magtrabaho sila as employee, Call Center, Office Staff, Crew, Manager etc., bago sila makapasok sa isang trabaho e mamumuhunan naman talaga sila. Tulad ng medical, NBI, POLICE, Barangay Clearance, Phil Health, SSS, PAG IBIG, NSO authenticated birth certificate lahat yan lalabasan mo ng pera. Isama mo pa dyan yung pamasahe mo kung ilang beses ka pabalik balik, pang kain mo, pang load mo pa tapos pambili mo pa ng formal/semi-formal na attire at pampaprint ng sandamakmak mong resume.
To sum up...gagastos ka talaga, para san? para sa P10,000/month.
I'm not saying na masama maging empleyado, okay lang yan. Kaya lang kahit saang anggulo natin tingnan hindi talaga nito matutugunan ang ating pangarap--yun ang KATOTOHANAN.
Lalo na kapag malaki ang iyong pamilya, paano mo mapapakain lahat ng anak mo, nanay at tatay mo kung kasama mo sa bahay, paano mo maibibigay ang iba pang pangangailangan nila kung kapos ang sweldo mo sa isang buwan?
What if, naaksidente ka or nawala na sa mundo paano na lang ang pamilya mo? Ano na lang mangyayari sakanila? Mawawala ka na lang ba na di mo nasecure ang future nila? Maghihirap din sila tulad ng pinagdaanan mo?
Wag mo sisihin ang gobyerno kung hanggang ngayon wala pa din nagbabago sa buhay mo. Wag mo sisihin ang gobyerno kung nagmamahal lahat ng bilihin.
Bakit sina Henry Sy, Lucio Tan, Gokongwei payaman pa rin ng payaman e malaki ang binabayad nila sa TAX.
Kaya wag mo din sisisihin ang magulang mo kung di ka nila mapag-aral sa magandang eskwelahan, wag mo sila sisihin kung mahirap ang buhay nyo. Wag mo din sisihin ang eskwelahan mo kaya mahirap ka ngayon.
Wag ka maninisi, dahil di naman nila tinuro na maging mahirap ka. Ginawa naman ng magulang mo at ng guro mo ang dapat nilang gampanan sa buhay mo at iyon ay para maturuan ka ng tama at magandang asal.
Tandaan mo na hindi lahat ng nakapagtapos sa magagandang eskwelahan ay mayaman. Hindi rin lahat ng masisipag ay mayaman--driver, eco aid, traffic enforcer, takatak boys etc masisipag ba sila? Diba oo, pero mayaman na ba sila? Diba hindi!
Nasa sayo yan kung saang landas ang gusto mong tahakin, kung ung kumita ka ng P10,000 monthly or yung makuha mo yung pangarap mong bahay at lupa, magarang sasakyan at million savings in less than 5 years. Ang tawag dyan DISKARTE.
Walang empleyadong yumayaman, ang ilan sa kanila nagpapatayo ng sariling negosyo para yumaman. Kasi kung talagang iisipin mo kulang ang P10,000 monthly para sa gastusin mo at ng pamilya mo. Walang masama kung dadagdagan mo ang source of income mo.
Panahon na para palitan natin ang mindset natin mula sa "Anak, mag-aral kang mabuti para makahanap ka ng magandang trabaho" Dapat eto tayo "Anak, mag-aral kang mabuti para paglaki mo makapagpatayo ka ng magandang negosyo."
Your partner for a great success,
JEZIE TEJADA
www.1broworld.weebly.com
No comments:
Post a Comment