Mga patok na negosyo ngayong 2014.
Ngayong 2014, magiging maganda at aktibo ang business community. Kung ikaw ay business minded at gusto mo makapagsimula ng negosyo, maaaring dito mo na makita ang negosyong hinahanap mo.So eto na ang mga negosyong pwede mong pagkakitaan..
Technology-based business. Halos lahat na ng tao ay nakadepende na sa teknolohiya. Sunod sa uso. Kung nuon pagkagising ang unang gagawin ay magmumumog, ngayon mas inuuna nang i-check ang cellphone kung may nagtext ba o nagmessage sa Facebook bago bumangon. Yung iba bago bumangon magse-selfie muna at post sa instagram/facebook.
Kung magtatayo ka ng gadget store, patok yan. Ito ay dahil halos lahat na ng cellphone ay app- at internet- ready na, ang
e-loading business ay patuloy na lalago. Ang mga gadgets ay madali ding masira kaya ang repair shop ay maganda ding negosyo. Buy-and-sell business online/offline ay okay din. Libre na ang mga internnet sa mga malls, so kahit tumambay ka lang pwede mo na ituloy negosyo mo. Post mo lang naman ang products mo or services na inooffer mo sa itnernet. Patok din ang computer shops/printing shops.
exchange. Hit na pagkakakitaan ang money market. Highly technical and tricky nga lang pero pag may magaling kang financial advisor, magiging maganda ang takbo ng negosyong ito para sayo. Kaysa naman nasa bangko lang ang pera mo, lagay mo na sa ibang financial instruments para pera mo na ang nagtratrabaho para sayo.
Health, Beauty and Wellness. Sa dami ng nagkasakit nung
2013-magpahanggang ngayon, magiging patok ang mga organic food, alternative medicine, food supplements at kung anu-ano pang may kinalaman sa pagpapaganda, pagpapabata, pagpapaputi at pangangalaga sa kalusugan. Ang mga direct selling business at network marketing business ay IN pa rin. Magada ang naging build up nito nung 2013 kaya kapag may lumapit sayo at inalok ka, pakinggan mo muna at baka ito na ang opportunity na makapagbabago sa buhay mo.
Foods (Restaurant, Bakery, Grocery Store, etc.)
Ito ay mga highly consumable products. Araw araw na pangangailangan ng tao kaya tiyak na patok ang negosyong ito. Dahil ang Pinoy mahilig kumain at mahilig sa mga kakaiba. Kaya kung creative ka magluto, magandang negosyo ito para sayo.
*PS: I appreciate to read your comments.
Your partner for a great success,
JEZIE TEJADA
www.1broworld.weebly.com
No comments:
Post a Comment