Friday, January 10, 2014

Ano ang patok na negosyo ngayong 2014?

Mga patok na negosyo ngayong 2014.

Ngayong 2014, magiging maganda at aktibo ang business community. Kung ikaw ay business minded at gusto mo makapagsimula ng negosyo, maaaring dito mo na makita ang negosyong hinahanap mo.

So eto na ang mga negosyong pwede mong pagkakitaan..


Technology-based business. Halos lahat na ng tao ay nakadepende na sa teknolohiya. Sunod sa uso. Kung nuon pagkagising ang unang gagawin ay magmumumog, ngayon mas inuuna nang i-check ang cellphone kung may nagtext ba o nagmessage sa Facebook bago bumangon. Yung iba bago bumangon magse-selfie muna at post sa instagram/facebook.
Kung magtatayo ka ng gadget store, patok yan. Ito ay dahil halos lahat na ng cellphone ay app- at internet- ready na, ang 
e-loading business ay patuloy na lalago. Ang mga gadgets ay madali ding masira kaya ang repair shop ay maganda ding negosyo. Buy-and-sell business online/offline ay okay din. Libre na ang mga internnet sa mga malls, so kahit tumambay ka lang pwede mo na ituloy negosyo mo. Post mo lang naman ang products mo or services na inooffer mo sa itnernet.  Patok din ang computer shops/printing shops.



Money Market.  Maaaring narinig mo na ang stock market, mutual fund, bonds at foreign
exchange. Hit na pagkakakitaan ang money market. Highly technical and tricky nga lang pero pag may magaling kang financial advisor, magiging maganda ang takbo ng negosyong ito para sayo. Kaysa naman nasa bangko lang ang pera mo, lagay mo na sa ibang financial instruments para pera mo na ang nagtratrabaho para sayo.


Health, Beauty and Wellness.  Sa dami ng nagkasakit nung 
2013-magpahanggang ngayon, magiging patok ang mga organic food, alternative medicine, food supplements at kung anu-ano pang may kinalaman sa pagpapaganda, pagpapabata, pagpapaputi at pangangalaga sa kalusugan. Ang mga direct selling business at network marketing business ay IN pa rin. Magada ang naging build up nito nung 2013 kaya kapag may lumapit sayo at inalok ka, pakinggan mo muna at baka ito na ang opportunity na makapagbabago sa buhay mo.



Foods (Restaurant, Bakery, Grocery Store, etc.) 
Ito ay mga highly consumable products. Araw araw na pangangailangan ng tao kaya tiyak na patok ang negosyong ito. Dahil ang Pinoy mahilig kumain at mahilig sa mga kakaiba. Kaya kung creative ka magluto, magandang negosyo ito para sayo.





*PS: I appreciate to read your comments.

Your partner for a great success,
















      JEZIE TEJADA

www.1broworld.weebly.com

Bakit ka may cellphone? Bakit halos lahat ng tao meron nito? Alamin...

Ilang taon ka na bang gumagamit ng Cellphone?

Ano ba ang gamit ng Cellphone at halos lahat ng tao ay meron nito, parmihan at pagandahan pa ng Unit?

Sariwain muna natin ang mga naunang naimbentong uri ng cellphone...



Evolution of Cellphone
Ang Mobile Phones Cellular Phones/Cellphones ay isang gamit na pwedeng makatawag at tumanggap ng tawag sa pamamagitan ng telephone calls.

Kung mapapansin natin, napakabilis ng pagbabago sa pagtaas ng klase ng kalidad ng mobile phones ngayon. Kung nuon tawag lang ang pwedeng gawin ng cellphone hanggang pwede ka na din magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng SMS o Text Message. Ngayong bagong henerasyon marami na ang pwedeng gawin ng mga makabagong mobile phones, pwede ka nang...
1. Tumawag (voice call & video call)
2. Text Messaging (SMS)
3. Magpadala ng picture (MMS)
4. Makinig ng Music
5. Maglaro ng games
6. Mag-picture ng unlimited (selfie)

7. Pwede ka na mag-send ng emails
8. Pwede ka na magdownload (music, pictures, videos, ebooks, app etc.)
9. Pwede ka na mag-internet
10. Pwede ka na mag-edit ng pictures
11. Pwede ka mag-record ng videos
12. Pwede ka na mag Facebook, Instagram, Twitter etc.
13. Pwede ka na manuod ng Videos/Movies
14. Pwede ka pa gumawa ng Documents (docs, ppt, spreadsheet, etc.)
15. Pa touch & swipe ka na lang

Ilan lamang yan sa pwedeng gawin ng mga makabagong klase ng mobile phones ngayon, kaya kinahuhumalingan ng marami ang pagbili ng mga ito kahit sobrang mahal.

Aminin natin na ang cellphone bahagi na ng mga pangangailangan natin. Isipin mo ito: "Pagtulog mo anong huling hawak mo? diba cellphone mo. Sa umaga anong unang hawak mo? cellphone mo pa din tama?" or "kapag naiwan mo cellphone mo sa bahay nyo, sa tingin mo babalikan mo pa ba? Syempre  oo!"

*PS: Kung may karagdagang kaalaman ka na pwede mong ibahagi patungkol sa makabagong katangian ng cellphone mo, mag iwan ka na lang ng comment sa baba, I will appreciate it! :)



Your partner for a great success,













   
   JEZIE TEJADA

www.1broworld.weebly.com

BAKIT KA NATATAKOT SUMALI SA NETWORKING?

Bakit kaya sobrang negative ng mga tao kapag pinag-usapan na ang networking?

Sa network marketing kasi madalas pag usapan ang ma pangarap mo, na pwede ka kumita ng 5 digits or 6 digits per month na mukang imposible para sa mga tao. Ang usual na kasi na mindset ng tao is makapag-aral, makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho na makapagbibigay sayo ng income per month na P10,000-P30,000.

Kapag iisipin mo nga naman, na yung matagal mo nang kakilala o kaibigan e ayain ka sumali sa isang networking at sabihin sayo na pwede ka kumita ng P100,000 o P1,000,000 per month--di ka talaga maniniwala.  Nakakaduda kung wala ka pang idea sa network marketing industry.

Kung ikaw ay isang empleyado at kumikita ka buwan buwan ng P10,000-P30,000 per month. Sa sweldong ito mga basic needs lang talaga ang pwede mong mabili like clothing, pambayad ng bills, Judith (due date--kuryente, tubig), pagkain, gasul, load, pamasahe, allowance ng mga anak, pambili ng groceries, tuition fee, pambayad sa inuupahang bahay (kung nangungupahan), emergency allowance (medicine, doctors fee, check-up etc.).

Sa sweldong yan, maisisingit pa ung pambili ng mga "WANTS"--like cellphone, tablet, laptop, ipad, flatscreen tv, internet, cable tv, pang salon, pambili ng bagong damit, pambili ng make-up (for girls), pambili ng sapatos, shades pang porma, pambili ng pang regalo sa nililigawan o minamahal, pang libre sa mga kaibigan etc.

So dahil marami ka ding mga wants dumadating yung point na kapag di na kaya ng sweldo mo matugunan lahat ng pangangailangan mo at lahat ng gusto mo eh nagkanda utang utang ka na sa mga bumbay, kaibigan mo, kakilala mo o sa kompanyang pinagtratrabahuan mo.

Dahil naisip mo na kulang talaga ang sweldo mo para makuha pa ang pangarap mong bahay at lupa, sasakyan, savings. Ang ginawa mo ngayon tumataya ka na lang sa LOTTO para manalo ng milyon, na ang chance of winning mo ay 0.01% at 99.9% naman ang chance mo na matalo. Isipin mo na lang kapag kinompute mo ang lahat ng pinangtaya mo sa lotto baka manghinayang ka pa. Na sana inipon mo na lang. Kung hindi ka naman tumataya ng lotto, maaring naisip mo n din mag-abroad na lang para makuha mo mga pangarap mo.


Nangyayari ito dahil takot tayong tumawid sa kabilang side ng buhay, kasi nasa isip natin na imposible ang pangarap natin, naa mayayaman na lang ang yumayaman, na di mo kaya yung ginagawa nila. (Rich mindset--rich side ng buhay)

Bakit maraming yumayaman at mahirap na biglang yumayaman after 2-3years?

Ang naiisip kasi natin sa mga taong yumayaman o mayayaman ay masisipag. Pero kahit anong sipag natin kahit todo sideline pa bukod sa trabaho natin abroad, di pa din sapat ang pera natin sa bangko para sabihing mayaman na tayo.

Ang mga Electric Bill sa mga SM na pag-aari ni Henry Sy ay pumapalo sa milyon milyon. Eh kalat ang SM sa buong Pilipinas. Kung aalukin mo si Henry Sy ng trabaho at sabihin mo sakanya na pwede syang kumita ng P100,000-P1,000,000 per month, baka pagtawanan ka pa nun or di ka nya papansinin.

Kasi ang tulad nila Henry Sy, Lucio Tan, Gokongwei etc. ay may mindset sila na walang imposible, na pwede kang magkaron ng savings na 10B kung gugustuhin mo.

So anong pagkakaiba natin sakanila? Parehas naman tayong tao, parehas naman tayong may 365 days, parehas naman tayong may 24hrs sa isang araw, parehas din naman ang disenyo ng ating mga utak...

Sila kasi di sila takot sumubok, di sila takot malugi sa umpisa, hindi sila takot magfail, willing sila matuto nang matuto, bumabangon sila kapag nadapa/nagfail, at talagang determinado na maging mayaman o manatiling mayaman sa kabilang banda.

Professionalism ba talaga ang sagot sa pag-asenso? Bakit sina Henry Sy di naman tapos. O kailangan bang ipanganak kang genius tulad nila Albert Einstein, Bill Gates o Mark Zuckerburg para maging milyonaryo? Ang sagot jan ay HINDI, ang kailangan mo lang naman talaga is maging open minded sa mga bagong ideya o sa mga opportunities. Kailangan mo ding umalis sa comfort zone mo at dapat willing kang matuto at determinado kang umasenso.

Walang pinanganak na mayaman agad--unless galing sa mayamang pamilya, walang pinangak na matalino, walang pinanganak na nakadestino na kung san lang sya dapat magtrabaho, walang pinangak na dapat ito lang sahod mo, hindi ganon dahil ikaw ang gumagawa ng sarili mong buhay. Lahat natututunan, ang tanong..willing ka bang matuto ng bago? determinado ka ba talagang umasenso? gusto mo ba talagang yumaman?

Takot ang mga tao na sumubok o sumali sa networking dahil marami na ang di naging successful sa linyang ito, marami ang nag-fail, na hindi sila kumita. Mas nakinig sila sa mga walang resulta sa negosyong pinasok nila. Naniwala sila na ganun din ang pwedeng mangyari sakanila. Dahil dito pumapasok din sa isip nila na ang NETWORKING ay isang SCAM pero di naman nila alam kung anong pinagkaiba nito at kung anong ibig sabihin nito

Walang nagfi-failed sa networking, pero marami ang Nagqu-QUIT, marami ang TUMITIGIL, marami ang NAWAWALAN NG DESIRE para gawin yung negosyo kasi ang unang pumapasok sa isip nila or ang nakaprogram sakanila kapag sumali sila sa Networking e GET RICH QUICK Scheme. Ibig sabihin na kapag sumali sila e kikita agad sila ng malaki at yayaman. Na di naman dapat ganon ang  mindset sa networking.

Takot din ang ilan sa networking dahil kapag nainvite ka meron itong "PUHUNAN", para sa mga sarado ang isip sa ganitong linya ng negosyo ay "GASTOS/BAYAD". Para sa mga taong talagang negative sa Networking ang tawag nila dito ay "SCAM--ay yan ung recruit recruit, sasabihin na kikita ka ng ganito ganyan magaganda ang sinasabi at mapapapayag ka na lang ng di mo namamalayan." Ang tawag dito ng ilan ay hypnotize/gayuma. Kasi feeling ng ilan dito ay naloloko sila, nauuto para sumali.

Ang iba ayaw sa Networking dahil nahihiya mag-invite or dahil sa salitang "recruit". Ang invite kasi para sa kanila ay recruit tulad ng mga napapanood nila sa TV sa mga balita na maraming nagkalat na "illegal recruiter" na paaasahin ka at lolokohin sa bandang huli.

Eto talaga ang iniilagan ng nakakarami sa Networking ang "investment o bayad". Ang nasa isip kasi nila "peperahan lang kayo nyan o yung nauna lang ang kikita dyan." Yung iba naman ang talagang hinahanap ay trabaho. "Kaya nga kami naghahanap ng trabaho kasi wala kaming pera tapos hihingan nyo kami ng pera para sa inaalok mo?"

Pero di nila naisip na kahit magtrabaho sila as employee, Call Center, Office Staff, Crew, Manager etc., bago sila makapasok sa isang trabaho e mamumuhunan naman talaga sila. Tulad ng medical, NBI, POLICE, Barangay Clearance, Phil Health, SSS, PAG IBIG, NSO authenticated birth certificate lahat yan lalabasan mo ng pera. Isama mo pa dyan yung pamasahe mo kung ilang beses ka pabalik balik, pang kain mo, pang load mo pa tapos pambili mo pa ng formal/semi-formal na attire at pampaprint ng sandamakmak mong resume.

To sum up...gagastos ka talaga, para san? para sa P10,000/month. 
I'm not saying na masama maging empleyado, okay lang yan. Kaya lang kahit saang anggulo natin tingnan hindi talaga nito matutugunan ang ating pangarap--yun ang  KATOTOHANAN.

Lalo na kapag malaki ang iyong pamilya, paano mo mapapakain lahat ng anak mo, nanay at tatay mo kung kasama mo sa bahay, paano mo maibibigay ang iba pang pangangailangan nila kung kapos ang sweldo mo sa isang buwan?

What if, naaksidente ka or nawala na sa mundo paano na lang ang pamilya mo? Ano na lang mangyayari sakanila? Mawawala ka na lang ba na di mo nasecure ang  future nila? Maghihirap din sila tulad ng pinagdaanan mo?

Wag mo sisihin ang gobyerno kung hanggang ngayon wala pa din nagbabago sa buhay mo. Wag mo sisihin ang gobyerno kung nagmamahal lahat ng bilihin. 

Bakit sina Henry Sy, Lucio Tan, Gokongwei payaman pa rin ng payaman e malaki ang binabayad nila sa TAX.

Kaya wag mo din sisisihin ang magulang mo kung di ka nila mapag-aral sa magandang eskwelahan, wag mo sila sisihin kung mahirap ang buhay nyo. Wag mo din sisihin ang eskwelahan mo kaya mahirap ka ngayon.

Wag ka maninisi, dahil di naman nila tinuro na maging mahirap ka. Ginawa naman ng magulang mo at ng guro mo ang dapat nilang gampanan sa buhay mo at iyon ay para maturuan ka ng tama at magandang asal.

Tandaan mo na hindi lahat ng nakapagtapos sa magagandang eskwelahan ay mayaman. Hindi rin lahat ng masisipag ay mayaman--driver, eco aid, traffic enforcer, takatak boys etc masisipag ba sila? Diba oo, pero mayaman na ba sila? Diba hindi!

Nasa sayo yan kung saang landas ang gusto mong tahakin, kung ung kumita ka ng P10,000 monthly or yung makuha mo yung pangarap mong bahay at lupa, magarang sasakyan at million savings in less than 5 years. Ang tawag dyan DISKARTE.

Walang empleyadong yumayaman, ang ilan sa kanila nagpapatayo ng sariling negosyo para yumaman. Kasi kung talagang iisipin mo kulang ang P10,000 monthly para sa gastusin mo at ng pamilya mo. Walang masama kung dadagdagan mo ang source of income mo.

Panahon na para palitan natin ang mindset natin mula sa "Anak, mag-aral kang mabuti para makahanap ka ng magandang trabaho" Dapat eto tayo "Anak, mag-aral kang mabuti para paglaki mo makapagpatayo ka ng magandang negosyo."
Your partner for a great success,













     JEZIE TEJADA

www.1broworld.weebly.com